Tuesday, December 28, 2004

Ikaw

IKAW
ay isang pangarap
na kailan man ay di ko maabot
isang bagay
na di ko maaangkin,
isang bakas
ng alaalang lumipas
isang nakaraan
na wala ng babalikan
at isang bukas
na di ko na masisilayan

SALAMAT..
sa nakaraan,
sa mga ala-ala,
sa mga nabuong pangarap,
at sa leksyong natutunan,

PAALAM...
wla na kong babalikan,
di na dapat pagsisihan
ito ay isang pasasalamat
at pag papaalam sa iyo,
bilang isang magandang bahagi ng aking nakaraan

**emem ang drama ko, kaya nabuo ito,,**